SORSOGON UNITED

When we unite, We make our life better

Diskwalipikasyon laban sa nangungunang party-list group, isinampa

By:  GMANews.TV.

Isang kaso ng diskwalipikasyon ang isinampa sa Commission on Elections (Comelec) laban sa nangungunang party-list group na Ako Bicol Political Party, dahil wala raw itong kinakatawang marginalized na sektor.

Hiniling ang pagdiskwalipika sa Ako Bicol dahil binubuo ito umano ng mga mayamang negosyante na nakisakay sa mga hinaing ng mga maralitang taga-Bicol, ayon sa mga nagpetisyon, sa 18-pahinang mosyon na isinampa nila nitong Miyerkules.

Kabilang sa mga nagpetisyon sina Marites Corteza-Lopez, Mae Ann Michelle Villagomez, Michael Malano, Ferdinand Gaite at Alexander Remollino

Ayon sa lima, sila raw ay nagsusulong ng malinis na halalan. Sinabi rin nina Corteza-Lopez at Villagomez na sila ay tubong-Bicol.

Si Gaite naman ay pangulo ng Confederation for the Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (Courage), na kasaping organisasyon din ng election watchdog na Kontra Daya.

“If the marginalized and the underrepresented poor will be represented in Congress by the overrepresented rich, would it not add more to their underrepresentation rather than alleviate it?” anila sa petisyon.

Ayon sa mga nagpetisyon, binuo ang Ako Bicol ng “napakayamang” pamilya nina Elizaldy at Christopher Co, na mga may-ari ng Sunwest Group of Companies, Tektone Corporation, Lo-Tone Corporation at Hi-Tone Corporation.

Si Elizaldy ang tagapangulo ng Ako Bicol habang si Christopher naman ang una nitong nominado.

Dagdag pa ng mga nagpetisyon, si Rodel Batocabe, ang ikalawang nominado ng grupo, ay corporate officer ng Embarcadero, isang lifestyle hub, commercial, at entertainment center sa Legazpi City, Albay.

Ang ikaapat nitong nominado, si Ronaldo Ang, ay naiulat namang vice president for legal ng Sunwest Group of Companies.

“It must be protested to high heavens the fact that Ako Bicol… is feigning to be representing the marginalized and underrepresented sectors. Allowing (the party) to exist as a party under the party-list sytem representation indeed allows the party-list system to be sullied, desecrated, debased, and prostituted by those who are neither marginalized nor underrepresented,” saad ng mga nagpetisyon.

Sinubukang makipag-ugnayan ng GMANews.TV sa mga kinatawan ng Ako Bicol subalit hindi sila nakausap.

Ayon sa pinakahuling tala ng mga boto para sa party-list na inilabas ng Comelec, ang nangungunang mga grupo ay ang Ako Bicol na may 1,522,986 boto; ang Coalition of Associations of Senior Citizens in the Philippines na may 1,292,182 boto at ang Buhay Hayaan Yumabong Party-lits na may 1,249,555 boto.

Ayon sa batas hinggil sa party-list, magkakaroon ng isang kinatawan sa Kongreso ang mga grupong makakukuha ng hindi bababa sa dalawang porsyento ng kabuuang bilang ng mga boto para sa party-list system, habang may karagdagang kinatawan naman ang mg grupong makakukuha ng higit sa dalawang porsyento, batay sa kabuuang bilang ng mga botong kanilang nakuha.

Gayunpaman, hindi hihigit sa tatlong kinatawan sa Kongreso ang maaaring makuha ng bawat party-list group.

Nakasaad sa Konstitusyong 1987 na 20 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kasapi ng Kongreso ang nararapat mapunta sa sektoral na mga kinatawan.—JMA/JV, GMANews.TV

Filed under: Sorsogon News Updates, What's Happening Here?, ,

Twitter Updates

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 909 other followers

RSS OUR DAILY BREAD

  • Remembering
    On Memorial Day, I think of many former servicemen but especially my dad and uncles, who served in the military during World War II. They made it home, but in that war hundreds of thousands of families tragically lost loved ones in service to their country. Yet, when asked, my dad and most soldiers from that era would say they were willing to give up their l […]

RSS DAILY INSPIRATION QUOTES

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

RSS DAILY VERSE

  • Matthew 6:19-21
    "Do not lay up for yourselves treasures on earth, where moth and rust destroy and where thieves break in and steal, but lay up for yourselves treasures in heaven, where neither moth nor rust destroys and where thieves do not break in and steal. For where your treasure is, there your heart will be also."

SHARE THIS BLOG!

Bookmark and Share

Archives

Categories

UPCOMING EVENTS

RSS The Green Economist

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

RSS PINOY OFW

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

FIND OUT MORE! EXPLORE THE BEAUTY OF SORSOGON!!

 

Calendar

May 2020
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

eRADIO-SORSOGON

pbndzmssorsogon.blogspot.com  

RSS THIS DAY IN HISTORY

  • 6-year-old Etan Patz—boy on milk carton—goes missing
    On the morning of May 25, 1979, six-year-old Etan Patz walked the two blocks from his home to his bus stop in Manhattan. It was his first time walking there alone before school, and the last day his parents would ever see him. That’s because someone abducted Etan during that walk. In his parents’ ...
  • The English Restoration begins
    Under invitation by leaders of the English Commonwealth, Charles II, the exiled king of England, lands at Dover, England, to assume the throne and end 11 years of military rule. Prince of Wales at the time of the English Civil War, Charles fled to France after Oliver Cromwell’s Parliamentarians ...

PESO EXCHANGE RATES TODAY

OFW-ONLINE SERVICES

poea.gov.ph
 

ARE YOU LOOKING for a JOB?

jobsdb.com
 
jobsdb.com
 
jobstreet.com

nrco.dole.gov.ph   poea.gov.ph         phil-job.net  

   
    sorsogonunited.wordpress.com    
sorsogonunited.wordpress.com   sorsogonunited.wordpress.com
   

Proud to be pinoy

Bicol Blog Community

SORSOGONUNITED VISITORS

  • 201,390 Hits

FROM AROUND THE GLOBE

Free counters!

SORSOGONUNITED FRIENDS

del.icio.us

Top Rated

Top Clicks

%d bloggers like this: