SORSOGON UNITED

When we unite, We make our life better

HINDI MAYAMAN ANG MGA OFW’s

By: Jeremiah Javier

23493_1444806441026_1259091918_31261755_4646300_a.jpg

MGA KABABAYAN PLS READ, LALO SA MGA OFW…

Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW. At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito. Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa’t isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW – We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P30K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they’re rich is a fallacy (Amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan sa amin ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis kami sa Pinas. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW – Kailangan namin magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo (hindi kc agad nasisira ito) at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na kami na lang ang magutom kaysa gutumin ang pamilya.

Kapag umuuwi kami, kailangan may baon/pasalubong kahit konti, kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam nyo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin. Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na.

Well, hindi naman lahat pero I’m sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun.

Magtatrabaho ka sa bansang iba o mababa ang tingin at trato sa gaya nating mga Pinoy, kahit na masipag at mas may utak tayo kaysa sa kanila. Malamang marami ang naka-experience na nang pang-gugulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iiiyak na lang namin kasi kawawa naman pamilya ‘pag umuwi kami sa pinas.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming pasaway sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapag-padala na kami, okay na yun, tawag lang, “hello! kumusta na kayo?”.

Hindi bato kaming mga OFW – Tao rin ang OFW, hindi kami money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit , nag-iisip (nakapag-adjust na) at nagugutom (palagi). Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually (especially ito) man lang.

Tumatanda rin kaming mga OFW – Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.

Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pagpapakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya sa Pinas – ang anak adik o nabuntis/nakabuntis ; ang asawa/gf/bf may kinakasamang iba; ang kapatid nakuntento na lang na umasa at tumambay. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, “NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!”

Bayani kaming mga OFW – Totoo yun! Ngayon ko lang na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio na kalayaan ang ipinaglaban. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay.

Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na’t parang mga ahas at parang mga amag ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya namin kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot namin na mawalan ng trabaho at sweldo.

Matindi kaming mga OFW – Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution.

Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas naming mga OFW, swerte ng mga buwayang pulitiko – Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap o na-maltrato) . Madalas nasa sidelines lang ang OFW.

Kapag lilisan ng bansa, malungkot and on the verge of tears; Kapag dumadating, swerte ‘pag may sundo (madalas naman meron); Kapag naubos na ang ipon at wala nang maibigay, wala na rin ang kamag-anak. Sana sikat kaming mga OFW para may boses kami sa Kamara.

Ang swerte ng mga buwayang pulitiko nakaupo lang sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan ng matinding araw o napapaso ng langis; napagagalitan at nasasampal ng amo; kumakain ng paksiw para makatipid; nakatira sa compound with conditions less than favorable; nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte ninyong mga buwayang pulitiko kayo, sobrang swerte ninyo.

Matatag kaming mga OFW – Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks.

Tatagal ba ang OFW? – Tatagal at dadami pa kami hangga’t hindi pa natin alam kung kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya?… o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos na kasama ka.

Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.

Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago.

Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo at nakakakuwenttuhan mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines; iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo except (‘pag hambog at utak-talangka) ; Iba pa rin ‘pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo; Iba pa rin ang tunog ng “mahal kita!”, “day, ginahigugma tika”,” “Mingaw na ko nimo ba, kalagot!”, ” Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba”.

Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba’t darating din ang pag-asa.

Kung may kamag-anak kang OFW mapalad ka at wala ka d2 sa kinalalagyan namin at anjan ka kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.

Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!

From the author:

27348_1259091918_5384_q.jpg Jeremiah Javier: HINDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

PLEASE SHARE IT TO ALL YOUR FRIENDS!!!

Filed under: Encouragement, Kwentong OFW, OFW Corner, Overseas Jobs, What's Happening Here?,

Twitter Updates

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 924 other followers

RSS OUR DAILY BREAD

  • Spiritually Exhausted?
    “Emotionally, we’ve sometimes worked a full day in one hour,” Zack Eswine writes in his book The Imperfect Pastor. Although he was referring specifically to the burdens pastors frequently carry, this is true for any of us. Weighty emotions and responsibilities can leave us physically, mentally, and spiritually exhausted. And all we want to do is sleep. In 1 […]

RSS DAILY INSPIRATION QUOTES

  • Inspirational Thoughts and More
    If you are looking for inspiration or you have some to share, you will find something on the Inspirational Thoughts and More page to meet your needs.

RSS DAILY VERSE

  • Romans 6:23
    For the wages of sin is death, but the free gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.

SHARE THIS BLOG!

Bookmark and Share

Archives

Categories

RSS BICOLTODAY.COM

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

UPCOMING EVENTS

RSS The Green Economist

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

RSS PINOY OFW

  • An error has occurred; the feed is probably down. Try again later.

FIND OUT MORE! EXPLORE THE BEAUTY OF SORSOGON!!

 

Calendar

August 2019
M T W T F S S
« Nov    
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  

eRADIO-SORSOGON

pbndzmssorsogon.blogspot.com  

RSS THIS DAY IN HISTORY

  • Genghis Khan dies
    Genghis Khan, the Mongol leader who forged an empire stretching from the east coast of China west to the Aral Sea, dies in camp during a campaign against the Chinese kingdom of Xi Xia. The great Khan, who was over 60 and in failing health, may have succumbed to injuries incurred during a fall from ...
  • Women's suffrage amendment ratified
    The 19th Amendment to the Constitution, guaranteeing women the right to vote, is ratified by Tennessee, giving it the two-thirds majority of state ratification necessary to make it the law of the land. The amendment was the culmination of more than 70 years of struggle by woman suffragists. Its two ...

PESO EXCHANGE RATES TODAY

OFW-ONLINE SERVICES

poea.gov.ph
 

ARE YOU LOOKING for a JOB?

jobsdb.com
 
jobsdb.com
 
jobstreet.com

nrco.dole.gov.ph   poea.gov.ph         phil-job.net  

   
    sorsogonunited.wordpress.com    
sorsogonunited.wordpress.com   sorsogonunited.wordpress.com
   

Proud to be pinoy

Bicol Blog Community

SORSOGONUNITED VISITORS

  • 195,560 Hits

FROM AROUND THE GLOBE

Free counters!

SORSOGONUNITED FRIENDS

del.icio.us

Top Rated

%d bloggers like this: